Sa kumakalat na video ng Pinoy vlogger na si Bretman Rock, makikita ito habang sumasayaw ng ‘di akma habang pinatutugtog ang Lupang Hinirang.

Hindi pinalagpas ng maraming Pinoy netizens ang pambabastos umano ng isang sikat na YouTuber sa pambansang awit ng Pilipinas.

Halata rin na hindi nito kabisado ang lyrics ng national anthem ng mga Filipino habang ito ay nagli-lip sync.Maraming Pinoy tuloy ang hindi naiwasang batikusin ang ginawa ni Rock lalo pa at parte ito ng makasaysayang istorya ng ating bansa. Ito ang mga nasabi ng ating mga kababayan:

“Diretsong walang respeto s National anthem… Bigyan yan ng Nararapat n Parusa ayon sa batas ng Pilipinas.”

 

“He needs to learn how to respect our National Anthem. When I was a kid even passenger jeeps stop whenever the National Anthem is being played.”

 

“Gusto niya siguro mabawasan ng ilang pilipinong subscriber niya kaya niya siguro nagawa yan. Tsk2. Nag search ka muna sana kung pwede bang mag ganyan habang kinakanta mo ang lupang hinirang.”

Ang bawat salita sa ating pambansang awit ay tinuturing na sagrado para sa lahat dahil ito ay nilikha ayon sa kaugalian at paggalang ng mga Filipino sa Pilipinas.

Simbulo rin ito ng walang hanggang katapatan ng lahat ng mga namatay para sa bayan.Narito ang video mula sa Facebook page na DB Video:

Sikat na Youtuber Binastos ang National Anthem ng Pilipinas | Breatman Rock Lupang Hinirang

Sikat na Youtuber Binastos ang National Anthem ng Pilipinas | Breatman Rock Lupang Hinirang

Posted by DB Video on Monday, December 30, 2019

3 1 vote
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments