Manila, Philippines- Kung gusto may paraan isang paniniwala na pinatunayan ng isa sa viral ngayon na storya ng isang anak ng magsasaka na si Ariel Quiom. Dahil parehong hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga magulang ay nagpursige si Ariel upang makapagtapos ng pag-aaral kahit na may mga oras na kailangan niyang pumasok ng walang baon at maglakad ng ilang kilometro upang matulungan ang kanyang mga magulang. Maswerteng nakakuha si Ariel ng scholarship sa Ateneo de Naga at dahil na din sa hirap na naranasan siya ay nagsikap at ngayon ay graduate na cum laude pa! Isa sa mga taong nawa’y maging inspirasyon sa mga kabataan ngayon upang pag-igihan ang kanilang pag-aaral.

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments