Site icon BitterPanic

Estudyante Umiyak sa Graduation Day- Magulang Never Umattend

Marami sa magulang ang isinasaalang alang ang Pagtatapos ng kanilang mga anak hindi lang dahil sa tagumpay ng anak sa kanyang narating kundi narin ang tagumpay nila bilang anak na napagtapos ang kanilang anak! Maging kahit mga kapwa nating OFW nagagwang magbaksyon at iwan ang kahit aqno mang importanting gawain para sa sandaling pag martya ng kanilang anak sa intablado.

Ngunit ang Kwentong ito ay ibang-iba kay Jeric Rivas ni kaylan man ay hindi naranasan na puntahan at masabitan nag kahit anong parangal ng kanyang sariling magulang simula paman sa siya ay nagtapos ng Elementarya hangang sa pagtapos sa kolehiyo.

Photo Credit To: Jeric Rivas / Facebook

Malaking Palaisin sa kanyan bakit ganoon na lamang na ayaw dumalo ng kanyang mga magulang sa kahit anong espesyal na kaganap ng kanyang buhay, lalo na’t batid nya at nakikita niyang masaya ang mga magulang sa pagtatapos ng kaniyang mga kaklase.

Kamakailan lamang si Jeric Ay nagtapos sa Kursong Criminology sa La Concepcion College San Jose Del Monte Bulacan ngunit napaiyak na lamang ito sapagkat hindi rin nagawang dumalo ng kanyang magulang.

Photo Credit to : Jeriv Rivas/Facebook

 

Elementary ako noon nong nagkamit ako ng mataas na karangalan, 6th honor ako noon pero sa hindi inaasang pagkakataon walang kamag anak at magulang ang umakyat sa akin sa stage para magsabit sakin ng medalya at dahil don hindi nalang din ako umakyat at di ko narin kinuha ang medalya ko,”

“Recognition ko noon nag karoon uli ako ng award, naging “Best in TLE” ako, inaasahan ko noon na may aakyat at magsabit sakin ng medalya na kamag anak at magulang, ngunit bigo ako sa halip ay nanghiram nalang ako ng magulang sa classmate ko para may magsabit sakin ng medalya.

Kinabukasan, Graduation na namin, lahat kame na magsisipagtapos at mga magulang ng mga kaklase ko ay nandoon na maliban sakin, tingin ako sa harap, sa likod, sa kaliwa, sa kanan nagbabakasakaling masulyapan ko sila, pero wala, naghintay pa ako nang ilang minute, gang sa oras na ang lumipas, pinatayo na kaming lahat at tiantawag na isa isa ang aming pangalan, umakyat na isa isa ang mga kaklase kasama ang mga magulang nila para tanggapin na na ang kanilang diploma.

Hanggang sa narinig ko na ang aking pangalan, at ito nanaman ako, nag mamartsa nanaman paakya ng entblado mag isa, habang naglalakad ako tumutulo ang luha ko, dahil sa mismong graduation ko wlang umattend, inggit ang naramdaman ko sa panahong yon, mabuti pa yong iba suportado nang magulang, samantalang ako, wala.”

Nag matapos niya ang High School, Umalis siya sa kaniyang Probinsyang kinalakhan ang Sibuyan Island sa Romblon at doon ay nagbakasaling umayos ang kanyang buhay. Kahit pa mayroon siyang kamag-anak sa lugar na kanyang pinaglipatan hindi nila ito tanggap.

Photo Credit- Jeric Rivas / Facebook

Upang makapag-aral sa Kolehiyo pumasok siya bilang isang Factory Worker sa Quezon City,  naging Service Crew sa mga Fastfood Chain at maging ang Pag-Jajanitor ay Pinasok niya. Naging isang Working Student at Kasambahay.

Nang Malaman ang malungkot sa kalagayang ito ni Jeric ang kanyang Profesor ang tumayong ikalawang magulang nito, Marami sa kanila ang nagbibigay ng Pamasahe at pagkain maging matirahin sa kanila bahay na nikailan man ay hindi nagawa ng kaniyang sariling kamag-anak.

Sa araw ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo inisip niyang magiging proud ang kanyang magulang at ang mga ito at darating sa kanyang Graduation Day ngunit hindi, wala niisa sa kanila ang dumalo.

“Magkahalong tuwa at lungkot nanaman ang naramdaman ko, sa loob patingin tingin ako,, tingin sa kanan tingin uli sa kaliwa, sa likod at harap, lahat puro masasayang mukha na nakangiti ang nakikita ko, mapa magulang at kapwa ko magtatapos. Pinipigilan kong umiyak, pero di ko talaga kaya.

Naramdaman ko nalang tumutulo na pala ang luha ko, umupo nalang muna ako sa tabi. Inggit ang naramdamadan ko, bumulong nalang ako sa sarili ko, Buti pa sila may parents na kasama samantalang ako, sa muli na naming pagkakataon, wala nanaman akong magulang na maghahatid sakin sa entablado, mag isa na naman akong tatanggap ng diploma ko, wala man lang akong makikitang magulang at kamag anak na nakangiti sakin at ipaparamdam na proud sila sakin…”

Dumating na ang Oras ng pagmamartsa at sinubukan nitong Magkalad ng Taas noo ngunit sa sobrang awa sa sarili ito’y napaluha nalamang.

“Tinatawag na isa isa ang aming mga pangalan, isa isa nang umaakyat kasama ang mga kamag anak nila at mga magulang, samantalang ako wala, ‘ILANG GRADUATION PA KAYA ANG PAPAIYAKIN AKO?’ Pero kahit papaano, may mga professors pa rin na sinamahan akong umakyat. Habang naglalakad ako, di ko talaga mapigigilan ang humagulhol sa lahat ng naroroon sa venue, niyakap ko isa isa ang mga professors na nandon sa taas ng entablado, para mabawasan man lang kahit paano ang bigat na nararamdaman ko. Di ko inisip ang kahihiyan sa sa harap ng tao dahil sa pag iyak ko.”

Ayon sa Kanyang Post sa Facebook. Nagpasalamat ito mga guro at mga taong tumulong sa kanya sa lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan. At kahit may hinanakit sa mga gulang nito ay nagpasalamt parin ito na sana sa mga darating na panahon ay ganap ng maging proud ang kanyang magulang sa kanya.

0 0 votes
Article Rating
Exit mobile version