Manila, Philippines- Simula kahapon, March 13, 2019 ay maraming gumagamit ng Facebook (isang sikat na social media) ang nagulat dahil hindi nila mabuksan ang kani-kanilang mga account. Marami ang nangamba lalo na at maraming impormasyon ang maaaring makuha sa kani-kanilang account. Hindi pa kinukumpirma ng Facebook kung ano talaga ang nangyari ngunit nangako sila na kanila na itong inaayos ngayon.
Totoo nga na sa Social Media na umiikot ang mundo ng mga tao lamang para paglibangan ngunit ginagamit na din para sa kani-kanilang mga negosyo kaya’t marami ang nainis dahil di nila magamit ang kanilang mga account. Karamihan sa kanila ay naglabas ng kanilang mga saloobin sa isa pang Social Media na Twitter dahil dito ay madami ang nagbahagi ng kanilang saloobin ukol sa pangyayaring ito. Marami ang nagsasabing kaya ito nangyari ay dahil sa dami na ng taong gumagamit ng Facebook sa buong mundo.
Bukod sa Facebook ay madami din ang nagrereklamong hindi din nila magamit ang dalawa pa sa sikat na Social Media ang WhatsApp at ang Instagram. Dahil nga wala pang kumpirmasyon sa totoong nangyayari ay atin na lamang hintayin ang susunod na mangyayari. Matatandang huli itong nangyari ng taong 2008 dahil din sa dami ng mga gumamit ng naturang App.