Sa panahon ngayon bihira nalang ang matatawag natin na ika nga ay may “ginintuang puso”. Lalo na sa panahon buhay na ang nakasalalay.
Sa kabilang banda, kahanga-hanga ang ipinamalas na kabayanihan ng isang motorista na nagbigay ng tulong upang madala ang isang 8 taong gulang na batang babae na may sakit na epilepsy na madala sa ospital.
ACTUAL DASHCAM FOOTAGE:
Ang Ama ng nasabing bata ay si Sorachat Sadudee, 51, na kasalukuyang pauwi na mula sa pagkakasundo sa kanyang dalawang anak na babae sa eskwelahan. kung saan ang bunsong anak nito na si Kaimook na nakakaramdam ng masama at pagkapagod ay pilit na nais ma-iuwi sa lalong madalign panahon.
Ngunit hindi naglaoon ay nagsimula ng manginig at bumula ang bibig ng batang babae habang nasa kalagitnaan ng mahabang traffic. Kaya naman binuksan ng Ama ang bintana upang humingi ng tulong.
Sa kabutihang Palad isang napadaan ng motorista na nag-ngangalang tthiphon Petchphibunpong, 28 na nakapansin sa komosyong nagaganap sa loob ng kanilang sasakyan.
Makikita sa Video ang pilit na paggising ng mag-ama sa batang babae, kaya’t nakuhayang ipaiwas ang mga sasakyan upang makadaan sila ngunit sa buhol-buhol na trapiko at walang maaring lusutan kaya’t pinili na laman na isakay ang mag-ama sa motor at dali-daling dinala sa ospital.
Makalipas ang apat na minuto ay nakarating din sa wakas ang mag-Ama sa Ospital sa tulong ng butihing biker na agad din naman inasikaso ng mga nurse sa emergency room at siyang inilipat naman sa ibang ospital.
“‘Hindi ko siya mapasalamatan nang sapat para sa kanyang kabaitan. Iniligtas niya ang buhay ng aking anak na babae. Kapag magaling na ang aking anak, isasama ko siya upang salubungin ang aking anak, at magpasalamat na rin sa kanyang ginawang kabutihan sa amin.” Ayon sa Ama ng Batang babae.
Matapos ang insidente hindi raw nito inaasahan ang nangyari sa kanyan, ganoon paman ay masaya siyang nakatulong sa mag ama, ayon naman kay Ginoong Petchphibunpong.
“Isa rin akong Tatay at alam ko ang pakiramdan kung ang anak natin ang himatayin na lang sa harapan natin, kaya hindi na ako nag dalawang isip na tulungan sila”. Dagdag pa nito.