Site icon BitterPanic

Tinatayang P9.6 Milyon na hinihinilang shabu nakumpiska sa Bacolod!

Manila – Philippines-9:10 am

Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang P9.6 million pesos na hinihinilaang shabu sa mag live-in partners sa Brgy. Singcang-Airport. Isinagawa Ang drug buybust operations pasado alas 11 kagabi ng Regional Drug Enforcement Unit.

Ang mga naaresto ay Sina Betty Bonggay 32 anyos at si Sidney Hulleza na 46 anyos na isang OFW na ayon sa mga pulls it daw ay Isa sa pinag kakatiwalaang miyembro Ng drug group sa lungsod ng Bacolod.

Nasabat sa Kay Hulleza Ang 276 na pirasong heat sealed plastic sachet Ng hinihinilang shabu na umaabot na 1.3 kilo, isang weigh scale, buy-bust na item at P35,000 buy-bust money.

Dagdag ng mga pulisya, ang pinag hihinalaang shabu ay ibebenta sana nila sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Bacolod at sa lungosod ng Iloilo.

Kasalukuyang nakakulong ngayon ang mag live-in partner na sasampahan Ng paglabag na kaso sa Republic Act 9165 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Itinatanggi pa ng mag live-in na hindi raw sa kanila ang naturang shabu kundi sa kanyang kaibigan at ipinadala lang daw ito.

0 0 votes
Article Rating
Exit mobile version