‘Mahigit linggo narin ang halos nilalayag ng issue patungkol sa nangyaring banggaan sa pagitan ni Erwin Tulfo at Ronaldo Bautista.

Sa kabilang ng hindi magagandang bagay na nabitawan ni Erwin Tulfo kay dating DSWD Ronaldo Bautista ay dalawang beses naman itong humingi ng Public Apology ngunit tila ay hindi sapat ang paghingi ng tawad kaya naman napakaraming Kondisyones muna ang inilapat bago raw di umano tanggapin ang paumanhin ni  Erwin.

Isa narito ang ang pagtanggal ng siguridad hindi lamang para kay Erwin Tulfo kundi maging ang mga kapatid nito. At ngayon nga ay napag-alaman din ni Idol Raffy na ipinag-uutos ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP na i-surrender ang baril ni Erwin sa istasyon ng pulisya.

kaya naman muling nagsalita si Idol Raffy patungkol sa Kinasasangkutang gusot ng kapatid niyang si Erwin, at dito ay inilahad niya ang kanyang salubuin na siya ay lubos na ngangamba sa buhay ng kapatid.

“Ang magiging sunod na move po niyan, siya ay madis-armahan… Masakit po sa akin dahil isa po ako sa nag-udyok sa kanya na mag apologize at sinunod niya po yun… kung sakali man dumating yung hindi inaasahan dahil wala nang security si Erwin, ang panlaban na lamang po kapag may nag-ambush sa kaniya, atlest he can draw his gun… para fair ang level ng playing field” ayon kay Raffy.

Dagdag din ni Idol Raffy”kung nagpakumbaba na po yung tao, sumurender na, nakataas na ang kamay, bakit hindi niyo pa rin matanggap…Tama na, sobra na, wag na po kayong makisaw-saw sa mga gustong makisaw-saw itigil na po natin ito, maging matured na ho tayo… pag ang isang tao po ay dapat na wag na po natin tapak tapakan.”

At magin si Ping Lacson na nagsabing dapat ng patawarin si Erwin, kaya naman nanawagan din rito si Idol Raffy na baka sakaling ito ang magsilbing referee sa pagitan ng PNP at kapatid nitong si Erwin.

Isinaad rin ni Raffy na “Para sa kaalaman po ninyo… kung sino man kayo na nagalit kay Erwin na nasa Gobyernodin. Si Erwin is one of the most fiercest dewfender ni Pres. Duterte. Namo-monitor ko po kung paano niya dinedepensahana ang Pangulo… Sa mga tao o grupo na naninira o nambabatikos sa pangulo” Ayon din kay Raffy.

Credit to Raffy Tulfo in Action

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments