Manila, Philippines | Huwebes, Abril 11, 2019

Sunod sunod ang mga moments nila Vice Ganda at Kuya Escort sa It’s Showtime! Tila ang dalawa ay nadudulas ba o sadyang katotohanan na talaga?

Lalo lang sila naging sweet simula noong inamin ni Ion na si Vice ay espesyal sa kanya sa GGV. April 11 sa isang episode ng It’s Showtime ay tila naging seryoso si Ion sa pagsagot sa mga tanong ni Vice kung parte ng joke lang ba ang kanyang mga matatamis na salita?

Ipinaliwanag ni Ion na hindi niya kayang saktan si Vice, kahit anong mangyari. “Okay lang ako na masaktan, wag ka lang” sabi ni Ion kay Vice na tila ay katotohanan na. “Doon ko ipaparamdam sa taong mahal ko na sobrang importante siya sakin.”

Ngunit tinanong ulit ni Vice si Ion kung seryoso ba siya talaga dahil sa mga ngiti nito. “Never akong nakipagbiruan saiyo, sa ngiti lang iyun. Pero yung nararamdaman ko saiyo, seryoso.”

Mukhang nagiging true to life na talaga ang dalawa! Kaya if fan ka nila ay dapat naka-abang lagi sa It’s Showtime!

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments