Manila, Philippines| Huwebes 11, 2019

Umusbong ang bagong suspek na pumatay sa 16 anyos na dalagita na si Christine Lee Silawan at inamin na sya ang salarin sa pag patay at pag balat sa mukha ng dalagita dahil daw  sa ‘MOMO’ challenge.

Si Renato Llenes, 42 anyos ang pangalawang salarin sa pag patay sa dalagita. Ikinagulat ng mga pulis ang pag amin nito  sa nagawang kasalanan dahil raw binabagabag na umano siya ng kaniyang konsensya.

Ayon sa suspek, gumawa siya ng fake account sa Facebook at kinuha ang loob ng biktima. Marso 10 nag kasundo ang dalawa na magkita sa Sacred Heart Parish sa Barangay Pajac. Nadismaya ang dalaga ng makita siya kaya ito`y nag walk-out at hinabol ito ni Llenes hanggang makarating sila sa bakanteng lote kung saan natagpuan ang bangkay ng dalagita.

Dagdag pa nito, Kung ano ano daw masasakit na salita ang binitawan ng biktima kay Llenes lalo na`t umanin ito na may mga naging kasintahan na ito. Nang mga oras na iyon, gusto daw ng suspek na makipag talik sa biktima hindi raw ito sumangayon. Doon na nagalit si Llenes at pinag sasaksak gamit ang gunting at walang awang binalatan ang mukha ng biktima para hindi ito makilala. Pero itinanggi niyang ginahasa niya ang biktima.

Umamin din siyang gumagamit siya ng droga. Humihingi na ng tawad ang suspek sa pamilya ng biktima.

Ang PNP na ang nag sampa ng kasong murder kay Llenes.

 

 

 

 

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments