Manila, Philippines| Martes – Abril 16, 2019

Lunes ng gabi arestado ang isang ginang at 4 pa nitong kasama sa isinagawang Buy-bust operation sa Tagumpay, Quezon City.

Nasabat sa mga suspek ang nasa P 50,000 halaga ng shabu.

Ayon kay police Lt. Col. Bilaro ng QCPD Station 8 “May front silang minors, kasama nila ‘yun para hindi paghinalaan o mahuli,”

Giit naman ng suspek na hindi siya nagtutulak at wala lang umano siyang bmapag-iwanan sa mga bata.

Ayon sa imbestigasyon kasama rin nila ang taxi driver na umano`y nag hatid ng droga.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments