Saan nangagaling ang Pera?
ADVERTISERS: Sila yung mga nagbabayad para iplay or idisplay ang kanilang business sa mga manonood ng video na gawa ng mga YouTuber or Publisher. Nagbabayad sila ng thousands or millions na irollrollout sa mga viewers sa pamamagitan ng pagPlay or Display ng advertisement nila.
GOOGLE ADWORDS: Ito naman ang isang bahagi ng Adwords na kumukuha ng pera sa Advertisers and then nagoorganisa ng kung paano nila ihahandle ang ads ng isang company depende sa binayad at target na mga manonood.
GOOGLE ADSENSE: Ito naman ang bahagi ng Google kung saan sila ang nagmomonitor ng bawat kitang dapat mapunta sa mga YouTubers or Publishers galing sa nakatakdang presyo ng isang advertisement na binayaran ng isang company.
GOOGLE YOUTUBE: Ang YouTube ay isa lamang platform na nagcacater ng advertisement sa mga viewers or users ng isang content like videos, articles, at games. Kung ikaw ay isang game developer, pwede mo gamitin ang Google Admob at kung ikaw naman ay isang website owner, Adsense for content.
YouTubers or Publishers: Ito yung mga taong gumagawa ng videos or web content para ipamahagi sa mga interesadong manonood or mangbabasa. Take note, kailangan pagmamayari mong ang videos or article hindi nila pinapayagang magshow ng ads kung ito ay kopya.
VIEWERS or VISITORS: Halos naman lahat sa atin ay papasok dito, kasi internet is life. ???? Halos lahat sa atin ay nanonood ang videos online lalong lalo na sa YouTube. At di man karamihan, iba sa atin tuwing nagreresearch ay napupunta sa mga site na may ads.
Paano magsimula ng YouTube business?
Marahil bigla kayong naliwanagan at nainpired sa aming naishare pero take note lang mga kaibigan, sa sobrang laki ng Google, sila ay gumagamit ng Artificial Intelegence na automatically magchecheck ng bawat content kung ito ba ay pumasa sa kanilang polisiya at standards. Marami parin tayong dapat ikonsider para tayo ay pagkatiwalaan at mabayaran ng Google Adsense. Pinakaimportanteng nais nyong malaman ay dapat ang videos ay inyong ginawa at hindi kopya sa ibang videos kahit na ito ay nasa television.
REQUIREMENTS:
- 1000 Subscribers or mga viewers mo na gustong subaybayan mga videos or content mo.
- 4000 Watch hours ng lahat mong naupload na videos sa YouTube.
- Verified YouTube partner ka sa pamamagitan ng paggawa ng adsense account.
Maliban sa PERA ano ano ang benefit ko?
Bilang isang approved partners ng Youtube, ikaw ay nakatalagang makakuha ng plaque na sasabihin sa mga susunod:
- Silver Button Plaque – 100,000 Subscribers
- Gold Button Plaque – 1,000,000 Subscribers
- Diamond Button Plaque – 10,000,000 Subscribers.
Maliban sa mga nasabing FREEBIES ng YouTube, kapag ang inyong mga viewers ay loyal at kada upload ay madami silang nanonood, maraming companya ang tatawag sayo para endorso lang ang isang produkto or servisyo kapalit ng halaga na makapagsunduan.
Kung marami pa kayong tanong, makuha lamang na magcomment sa ilalim at kami po ay susubok na lahat ng inyong tanong ay aming masagot. Maraming salamat sa pagbabasa at makuha nyo lamang pong magregister dito sa aming website para sa mga mapagkikitaang bagay.