Manila, Philippines- Kakatapos lamang ng laban ng Pinoy Big Brother Housemates na sina JC Gamez ang “Mucho Raketero ng Rome” at si Hanie Onofre ang “Athletic Cutie ng Isabela” kahapon, Pebrero 28, 2019 para sa ligtas challenge ni Kuya. Para sa mga taga subaybay ng PBB OTSO matatandaang kakapasok lamang ni Hanie sa loob ng bahay noong nakaraang linggo, Pebrero 24, 2019 matapos ang double eviction nina Wakim Regalado ang “Gifted Go-Getter ng Iloilo” at Mitch Talao ang “Trans Mama ng Lucena”.

Matatandaan na madami ang nalungkot na manunuod nang ang unang matalo sa ligtas challenge ay si Yamyam laban kay Mark. Sa kabila ng lungkot na naramdaman ng mga kapwa housemates ay tuloy pa din ang laban nina JC at Hanie at sa huli ay si Hanie ang nagwagi. Ina-nunsiyo din ni Kuya kay JC ang kaparehong sinabi niya kay Yamyam na sila ay  mananatiling official housemates ngunit kailangan niyang lumabas ng bahay.

Matatapos ang pag-uusap ay muli nakita ni JC si Yamyam sa secret room kung saan sila mananatili pansamantala hanggang sa itinakdang panahon ni Kuya. Ikwinento ni JC ang mga nangyari sa loob ng bahay kay Yamyam at nabuhayan ng loob na may pag-asa pa silang manalo. Sa susunod na laban ay sina Lou at Mary Grace na ang maglalaban, sino kaya ang susunodna lalabas sa Bahay ni Kuya at makakasama nina Yamaym at Jc sa loob ng secret room? Abangan!

0 0 vote
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments