Manila, Philippines – Abril 15, 2019

 

Pinag hahanap pa ng mga pulisya ang pumatay sa pang bumugbog sa 4 na taong gulang sa Bugallon, Pangasinan.

 

Ayon sa ina ng bata, “Pinapatulog niya [Garbo] po ‘yung anak ko, hindi po natulog po ‘yung anak ko tapos nung hindi natulog, kinuha niya ‘yung walis tambo, pinalo niya sa ulo,”

 

“‘Pagkatapos ng pagkapalo niya sa ulo ng anak ko, dumugo ‘yung ulo ng anak ko, may hiwa, Tapos sabi niya ‘Inuutusan mo kumain?’ tapos bigla niya po akong sinapok, parang inano, pinalo,” Dagdag pa nito.

 

Nanghihina ang bata at hirap ng huminga pero inutusan pa rin ito ni Garbo na i-duyan ang kanyang nakababatang kapatid.

 

Nang makita nila itong humiga na sa sahig dahil hirap sa pag hinga, dito na raw binugbog ni Garbo ang bata. Dinala pa raw nila ang bata sa ospital ngunit huli na ang lahat.

 

Tumakas ang suspek at kasalukuyang pinag hahanap ng mga pulisya. Murder ang isasampang kaso kay Jessie Garbo.

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments