Manila – Philippines | Sunday, April 07, 2019

   Talaga namang walang makakapigil sa dalawang kabataan na ito na nakapagtapos sa kabila ng kanser at kahirapan. Hindi nagpadaig sa sakit na naramdaman at sa estado ng mga buhay nila.

Kilalanin ang cancer survivor na si Mejean Generale, 13 anyos galing sa Davao City, nakapagtapos ngayong taon bilang isang Valedictorian. Siya ay na diagnosed ng ovarian cancer noong 2017.

Sa kabila ng lahat, siya ay hindi pinaghinaan ng luob sa pagkamit ng kanyang mga pangarap at pagbutihin lalo ang kanyang pag-aaral, at sa tulong narin ng House of Hope of Southern Philippines Medical Center in Davao City.

Siya ay may mahigit na pananampalataya sa Diyos para siya ay matulongan sa kanyang sakit.

“Nagdasal ako sa Panginoon na pahabain pa niya ang buhay ko. Nakikita na rin ni Mama na nahihirapan na ako. Sinabihan niya ako na ‘wag pilitin. Pero nagdasal talaga ako na makasama ko pa si Mama,” ayon sa kanya.

Bukod sa kanyang pagtatapos, siya ay ‘cancer-free’ na ngayon!

“Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa. Manalig lang tayo sa Kanya dahil Siya lang ang nakakaalam kung kailan tayo kukunin,” sabi ni Mejean.

 

Mula sa pagiging manggagawa at tagapagtinda ng balut ay nakapagtapos na at with honors pa!

 

   Kilalanin si Christian Cera ng San Fabian, Pangasinan, dating manggagawa at tagapagtinda ng balut ngayon ay nakapagtapos na. Habang nasa seremonya ay hindi mapigilan ni Christian na maging emosyonal sa lahat na nangyayari sa kanyang buhay ngayon. 

Hindi niya kailanman malilimutan ang kanyang mga pinagdaanan na hirap upang makamit ang kanyang mga pangarap. Kahit na maging isang construction worker ay hindi niya ipinalagpas, eto ay sinubok niya rin at paggawa pa ng iba pang mga trabaho para lamang masustentuhan ang kanyang pag-aaral.

“Noong bata po ako, nagtitinda po ako ng balut para may baon po ako. Tsaka ‘yung ama ko po may sakit. Nawalay na po sa akin,” ayon kay Christian.

Nabayaran ang kanyang mga pagsasakripisyo sapagkat siya ay kasama sa ‘honors’ at may leadership award pa!

“Nagpupursige siya dahil alam niyang kailangan niyang umahon sa kahirapan… Nagbibigay silbi kasi ‘yung pamilya niya [bilang inspirasyon] para maiahon niya sa hirap,” sabi ng kanyang guro na si Narciso Discipulo.

 

Kaya kung ano man ang ating mga pagsubok ngayon, ay sana maging inspirasyon natin para harapin ang bukas ng may dedikasyon ang pananampalataya sa Diyos!

 

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments