Manila, Philippines- April 10, 2019

Si Thesa Marie Ygay ang 14 anyos na walang awang pinatay, nagtamo ng 34 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at natagpuan ang bangkay nito sa septic tank sa Danao, Cebu.
Matapos ang dalawang araw na paghahanap sakanya ay natagpuan nitong Lunes sa kanyang mismong paaralan sa septic tank ng Cogon Cruz Intergrated school sa Danao.
Natagpuan din ang isang kutsilyo at tubo na may bahid ng dugo na possibleng ginamit laban sa biktima malapit sa pozo negro. Natagpuan din dito ang damit umano ni Thesa.
Ang biktima ay nagtamo ng maraming stab wound sa leeg, at sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito. Ang masaklap pa ay kakilala mismo ng biktima ang suspek na ito.
Ang tinuturong salarin ay ang security guard ng paaralan na si Jessie Mediquillo.
Ayon sa kasama niya sa trabaho ay tila nag iba ang kinikilos nito. Nahagip sa CCTV na umalis ng umaga sa paaralan noong Sabado si Mediquillo kung kailan naibalita na nawawala si Thesa.
Bago pa ang lahat na iyun ay kilala na ang suspek na tumutulong sa gastusin ng dalagita at ang mga kapatid nito kasi sila ay wala ng ama at ina.
Hindi makumporma ng mga pulis kung si Thesa ba ay ginahasa dahil ang bangkay ay naaagnas na at mahirap suriin. Usap usapan din na ang dalagita ay buntis.
0 0 vote
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments