Manila, Philippines- Napagtapos ng amang pedicab driver sa kolehiyo ang anak bilang isang Magna Cum laude sa Magarao, Camarines Sur.

Ngayong buwan ng pagtatapos ay may iba’t ibang kuwento ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga inspirasyon sa buhay tulad na lang ni Sandra Ramos na isang anak ng pedicab driver na nakapagtapos bilang isang Magna Cum Laude. Ang tagumpay niya ay tagumpay na rin ng kaniyang mga magulang lalo na ang kanyang tatay na isang pedicab driver.

Ayon sa kanya, siya ay nagpapasalamat ng husto na kahit wala silang madaming pera o ano mang kayamanan siya parin ay nakapagtapos at masaya.

Payo niya pa sa mga kabataan, “Do your best in everything na kahit kung anong estado man nila sa buhay o kahit ano man yung katayuan nila ngayon basta maghanap lang ng inspirasyon, kaya nila yun.” Tila ang kanyang ama ay na bigla sa kanyang tiyaga sa pag-aaral at na sorpresa siya dahil sa ganitong prestihiyosong award.

Siya raw ay maghahanap na ng trabaho para masuklian ang sakripisyo ng kaniyang magulang at upang matulungan na rin niya ang kaniyang 2 nakababatang kapatid.

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments