Manila, Philippines- April10, 2019
Dumating na ang labi ng isang OFW na pinatay sa Saudi, Arabia. Bukod na sa wala na ang mata at lamang loob nito ay marami rin itong pasa sa katawan.
Hindi pa nakikilala ang pumaslang sa kalunos lunos na Overseas Filipino worker (OFW) na si Lemuel Lansangan, 39 anyos.
Naiuwi na ang kaniyang katawan sa kanilang tahanan sa Brgy. Anolid, Mangaldan Pangasinan noong April 3. Nasabing Disyembre 8, 2018 nang patayin si Lemuel Lansangan.
Ayon sa kapatid ng biktima. “Noong ninuksan namin Yung kabaong nya, parang mummy na siya. Nakakatakot ang hitsura. Kasi tinorture pa sya eh”.
Humingi na ng tulong ang pamilya ng biktima Kay Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ng hustisya ang pag ka matay nito.
Dagdag pa nito “Sa gobyerno natin na sana tulungan kami sa nangyari sa kapatid ko. ‘Yun lang naman” .
Nakarating sa ng OFW desk ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) ang sinapit ng biktima at kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa Department of foreign affairs para sa kaukulang imbestigasyon.
Ayon kay Mariano Mamaril, Representative, OWWA- Central, Pangasinan “Part investigation kasi talagang sa DFA at ‘yung counterpart ng DFA ng abroad”.