Manila – Philippines | Thursday, April 11, 2019.

Nakakamangha at nakaka-inspire talaga ang kwento ni Jean Areja Daipal, isang person with disability na nakapagtapos ng elementarya!

Ayon sa principal ng H.B. Amparado Elementary School sa Toboso, Negros Occidental na si Junar Mahilum. Hindi talaga biro ang kanyang pinagdadaanan araw araw makapagtapos lang ng elementarya. Nakakamangha ang kanyang dedikasyon na makapagtapos kahit siya ay may kapansanan. Malapit sa apat na kilometro ang kanyang tinatahak papunta pauwi ng kanyang paaralan. Pag gusto may paraan talaga!

Ibinahagi ng principal na si Sir Junar ang kanyang larawan sa social media at nag baka sakali na may mag dodonate ng artificial leg para sa bata. Sapagkat siya ay isang inspirasyon ngayon para sa mga mag-aaral. Kung kaya niya, kayang kaya mo rin!

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments