Manila – Philippines | Abril 06, 2019 | 9:54 PM

Pinaslang ang isang 23 anyos na lalaki at ang 7 taong gulang nitong kasama. Natutulog sila sa covered court sa Caloocan City madaling araw ng sabado ng sila’y pag babarilin. Nakilala Ang biktima na si Jaylord Cajuban, 23 anyos at isang construction worker.

Ayon sa Caloocan police na si Police Col. Restituto Arcanghel, habang natutulog ang mga biktima sa loob ng covered court sa Bagong Silang, Caloocan ay pinag babaril ito ng hindi pa nakikilalang gunman.

Kwento pa nito ay naka ilang saway na raw ang mga tanod noon sa mga biktima sa pag tulog nila duon ngunit nag pabalik balik pa rin ang mga ito.

Ayon sa kapatid ng biktima ay naka inom raw ang kanyang kuya nung araw na iyon kaya’t agad nag pahinga ito sa loob ng nasabing covered court.

Inamin rin niya na nasangkot ang kaniyang kapatid sa droga at pag nanakaw pero kinalaunan ay itinigil din ang gawaing ito.

Maaaring nakita ang pang-yayari ng bata kaya’t nadamay ito at pinatay rin, Ayon sa nanay ng batang biktima. Wala pa rin pag kakakilanan at motibo ang mga otoridad sa krimen na nangyari.

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments